Realidad panglipunan

on Monday, October 3, 2011
Mahirap talagang maging mahirap. Ang daming news bits at documentaries tungkol sa pagiging mahirap at isa lang ang masasabi ko mahirap talaga yun.

Pinanuod ko yung music video ni Gloc 9 yung Upuan ang title, ang ganda ng message. Saktong sakto talaga. Wala naman akong masabing may katuturan, napakarami ng mga nangyayari sa paligid pero minsan wala pa din tayong pakialam.

Ganun lang talaga dito sa bansang ito madaling magbulagbulagan at magbingibingihan kahit nasa harap mo na ang problem at humihingi na sa iyo ng solusyon. Minsan kahit ano pang idealismo ang ipakita mo sa huli ay matatalo ka pa din ng realidad ng buhay. Na mas malakas ang hatak ng salapi at mas madaling bumigay sa tukso lalo na kung pera lang ang katapat ng prinsipyo mo.

Ang hirap mamuhay sa lugar na ang basehan ng kagalingan ng isang tao ay ang salapi sa bangko at karangyaan ng buhay. Nakakapagod isipin at gawan ng paraan, iilan na lang ang tunay na nabubuhay para sa prinsipyo.

0 comments:

Post a Comment